Sigalot sa NBA umakyat na sa Korte

TULUYAN nang umakyat sa korte ang kaso sa pagitan ng mga atleta at mga may-ari ng National Basketball Association (NBA).

Dahil sa pangyayaring ito ay tuluyan nang magsasakripisyo ang regular season ng NBA.

Hindi na natuloy ang kahapon sana na 2011-2012 curtain-raiser sa pagitan ng champion Dallas Mavericks at Chicago Bulls.

Nasa U.S. District Court sa New York  na kasi ang kaso nang maghain ang liga ng kaso.

Subalit ang hakbang na ito, ayon sa mga kritiko ay isang paraan upang maharang ang paghahain naman ng mga atleta sa unyon ng anti-trust litigation na taktika na rin ng National Football League players association para makuha ang hinihiling nilang bagong collective bargaining agreement.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply