Sikat na radio talent nabundol ng taxi

NABANGGA ng isang pasaway na taxi driver ang isang popular na artista sa radyo habang naglalakad ito sa panulukan ng Edsa at North Ave. kaninang umaga sa lungsod Quezon.

Dinala ng mga nakasaksi sa East Avenue Hospital sakay ng sangkot na taxi ang biktima na kinilalang si Eloisa Cruz Canlas, 70, para malapatan ng lunas ang anumang pinsala sa kanyang ulo at katawan dulot ng pagkakabangga ng sasakyan sa kanya.

Ayon kay Senior Police Officer 3 Ronquillo Mano ng Quezon City Police District Traffic Sector 6 , gising at may malay ang biktimang si Canlas ng dalhin sa ospital habang ang driver ng taxi na nakilalang si Nemencio Villanueva  ay isinailalim na sa kostudiya ng polisya.

Si Canlas ,na mas kilala sa bansag na “Lola Cela,” ay kabilang sa mga gumaganap sa mga sikat na drama sa radyo noong mga taong 1970 na Simatar at Gabi ng Lagim. Kasama rin siya sa mga dramang Zyra at Newsboy sa radyo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply