Silver nasungkit ni Bustamante sa SEAG

NAKUHA ang bronze medal sa 9-ball billards event ang Pinoy cue artist na si Francisco “Django” Bustamante sa 26th Southeast Asian Games (SEAG) na ginaganap sa Indonesia.

Bigong makausad sa gold medal match si Bustamante matapos talunin sa semi-finals ni Ricky Yang ng Indonesia.

Maghaharap naman sa finals sina Yang at Do The Kien ng Vietnam.

Sa kasalukuyan, nananatili sa ika-6 na pwesto ang Pilipinas sa medal tally ng mga bansa sa SEA Games kung saan mayroon na itong 24 golds, 42 silver at 61 bronze o kabuuang 127 medals.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply