Simbahan hinimok si PNoy na pagbigyan si GMA

HINIMOK ng Simbahan si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na payagan nang makapagpagamot si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa.

Kahapon (Nobyembre 9) lamang ay sinabi ni Lingayen Dagupan Archbishop Emiritus Oscar Cruz,na posibleng magkagulo  ang ma Pilipinas kapag may nangyaring masama kay GMA.

Aniya, malaking kaparusahan na umano ang nararanasang karamdaman ni Arroyo kaya naman dapat pagbigyan na ang kanyang kagustuhan na makapagpagamot sa abroad.

“(The government) should let her go because if something happened to her, all hell will break loose. Even if she flees, her sickness is already her punishment. It’s justice enough,” ayon kay Cruz sa isang artikulo naka-post sa website ng Union of Catholic Asian News.

Sinang-ayunan naman ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso na dapat nang pagbigyan ang hiling ng dating Pangulo na magpagamot sa ibang bansa dahil kung hindi ay magbu-boomerang ito sa kasalukuyang administrasyon kapag may masamang nangyari kay GMA.

“Everybody has a right to health [care]. If something bad happened to the former President it will boomerang on the present administration,” anang Obispo.

Ayon naman kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, head ng  Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ National Secretariat for Social Action, pag-aralan dapat mabuti ng Supreme Court ang naturang usapin bago maglabas ng desisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply