Simbahan nagbabala sa 2 suspendidong pari

NAGBABALA ang isang Obispo ng Simbahang Katolika laban sa dalawang pari na patuloy pa rin umanong nagdaraos ng misa sa kabila ng suspension order na ipinalabas laban sa kanila.

Ayon kay Daet Bishop Gilbert Garcera, taong 2008 pa nang suspindihin ang mga paring sina Efren Avenido at Roque Bacayo mula sa kanilang priestly ministry.

Nabatid na nasuspinde si Avenido dahil sa “delicta graviora” na isang pagkakasala na may kinalaman sa moral, ngunit hindi naman tinukoy kung ano ito.

Habang si Bacayo naman ay sinuspinde dahil sa paglabag sa Canon 1371 o “delicts against ecclesiastical authorities” matapos na dalawang ulit na tumanggi sa kaniyang parish assignment at umano’y pagkakitaan ang mass offerings na malinaw na paglabag sa batas ng simbahan.

Gayunman, nakatanggap umano si Garcera ng impormasyon na sa kabila ng suspensiyon ay patuloy pa ring nagdaraos ng misa sina Avenido at Bacayo sa Metro Manila at maging sa Bicol region.

Sinabi ni Garcera na nananatiling suspendido ang dalawang pari kaya’t hindi nila maaaring gampanan ang kanilang ministerial duties.

“We would like to reiterate that Fr. Avenido and Fr. Bacayo remain suspended and thus cannot discharge their ministerial duties,” pahayag ni Garcera sa isang circular.

Ipinabatid na rin umano ni Garcera sa kaniyang mga kapwa Obispo sa Metro Manila at Bicol ang ginagawa ng dalawang suspendidong pari at pinayuhan ang mga ito na balaan ang kanilang mga parishioner laban sa dalawa. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply