Sinag at Perlas umarangkada sa SEA Games basketball

NAGPAKITANG gilas agad ang Philippines men’s at women’s basketball team sa una nilang laro para sa 26th Southeast Asian Games Kelapa Gading Sports Mallc sa Jakarta, Indonesia kagabi.

Kahit maliliit ay dinaan na lang sa bilis ng Perlas ng Pilipinas upang payukuin ang defending gold medalist Malaysia, 64-56.

Kinawawa naman ng Sinag Pilipinas na binubuo halos ng mga college stars mula sa UAAP at NCAA champions na Ateneo de Manila University at San Beda College ang Cambodia, 127-68.

May apat na six-footer ang Malaysia subalit nakagawa pa rin si Merenciana Arayi ng double-double performance na may 16 points at 13 rebounds para ilista ang 1-0 win-loss record ng Pilipinas.

Si UAAP Rookie of the Year Kiefer Ravena naman ang tumrangko sa Sinag gamit ang perpektong 8-of-8 shooting, five rebounds, three assists at four steals, bumakas pa sina UAAP season 73 MVP RR Garcia ng 16 points at Red Lions standout Garvo Lanete ng 15 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply