Sinag-Pilipinas papalapit sa gold

KAKATOK bukas, (Nobyembre 18) ang Sinag-Pilipinas basketball team para makapasok sa Finals sa nagpapatuloy na 26th Southeast Asian Games na ginaganap sa Britama Arena sa Jakarta, Indonesia.

Sinilaw ng Sinag ang three-game eliminations sweep sa Group A nang tambakan ang Thailand, 103-69 kahapon (Nobyembre 16) para harapin sa semifinals ang No. 2 sa Group B na Malaysia.

Tumikada si Fil-Am Clifford Hodge ng 15 points habang si Kiefer Ravena ay may 14 na puntos para sa ikatlong sunod na high scoring output ng Sinag-Pilipinas ni coach Norman Black.

Sa isang semis match, makalalaban ng No.1 sa Group B na Indonesia ang No. 2 sa Group A na Thailand.

Maghaharap sa Finals ang mananalo sa nasabing crossover semis match.

Unang nilampaso ng Sinag ang Cambodia, 127-68 sa first game at pagkatapos ay ang Vietnam naman ang kanilang tinambakan, 107-53.

Hindi naman masyadong napagod ang Perlas-Pilipinas (women’s squad) dahil pinaglaruan lamang nila ang Myanmar, 57-39, para sa perpektong 2-0 kartada at pagpapataas ng momentum sa misyon ng bansang makopo ang unang gold sa division.

Umayuda para sa Perlas-Pilipinas si Merenciana Arayi ng 13 points, seven rebounds at three steals, dalawa rito ay magkasunod niyang sinisid tungo sa pares ng baskets sa huling tatlong minuto ng laro na tuluyang bumali sa Myanmar.

Nag-ambag naman si Analyn Almazan ng double-double sa kanyang tig-11 points at rebounds para sa Pinay cagers, na naunang na-upset ang defending champion Malaysia, 64-56.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply