Singaporean binitbit sa presinto matapos na magwala

LASING na nag-ala Rambo ang isang Singaporean at sinipa ang isang hotel security officer dahilan para binitbitin ito Manila Police District sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila, ayon sa ulat ngayon ng pulisya.

Si Iskandor Mirzah Binaripin, 35-anyos at pansamantalang nanunuluyan sa Manila Hotel sa Ermita, Manila.

Bagama’t hindi na itinuloy ang reklamong paninipa ng banyaga sa isang Daniel Andrada, 41-anyos at hotel security officer ng nasabing 5 star hotel, pansamantala pa rin itong dinala sa tanggapan ng pulisya, sa MPD-General Assignment Section.

Batay sa ulat na isinumite kay Sr. Insp. Ramon Meneses, deputy chief ng MPD-GAS, dakong 11:50 kaninang hatinggabi, nang magsimulang manggulo ang naturang dayuhan sa parking lot.

Pilit na inawat ito ni Andrada, dahil naghahamon na ito ng away sa kahit sinong makita o nagdaraan sa lugar.

Ngunit tadyak ang isinagot ng nasabing dayuhan, kaya agad namang humingi ng tulong si Andrada kay PO2 Marcelino Mabulac, na tauhan ni Chief Insp. Randy Maluyo, Block Commander ng Rizal Park PCP, sakop ng MPD-Ermita Police Station 5, saka ito binitbit sa tanggapan ng pulisya, na siya namang itinurn over sa pinsan nitong si Mohammad Faizal,32 anyos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply