Sinibak dahil sangkot sa mga katiwalaan sa BID

SA PAGPAPATULOY sa ginagawa nating pagsilip sa mga nangyayaring sibakan blues sa Bureau of Immigration and Deportation (BID), napag-alaman natin na marami palang natuwa na mga empleyado ng BID sa agarang pagkakadakip kay BI Lawyer Chito Tolentino.

Hindi ko lang alam kung gaano katotoo ang paratang ng mga taga-BI na ito palang si Atorney na pinaka-astig na BI Lawyer ay umano’y sangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Hindi ko rin alam kung totoo na itong si Atorney raw ay nagsisilbi rin daw na  bagman ng mga tiwaling BID Commissioners noon.

Noon kasi ay maraming iligal na dayuhan ang nakalaya sa kulungan at hindi na idineport dahil sa umano’y pagmamaniobra ni Tolentino.

Kaya nga pinag-iingat ng mga taga-BID si Comm. Ricardo David kay Tolentino.

Dahil sa isa raw na napakalaking isda si Tolentino sa mga sindikato na nadakip ng National Bureau of Investigation.

Sina Chito Tolentino at Felimon Quirante ang ingi-nungusong mga ‘utak’ ng BID MAFIA Syndicate.

Ang iba pang mga detalye sa ating pagbubulgar. (Abangan)

VIP rooms sa club pronta ng prosti

PATULOY pa rin ang operasyon ng ‘prostitusyon’ sa Metalica Disco sa Quezon Avenue, Quezon City sa kabila ng mahigpit na kampanya ng gobyerno laban sa talamak na sex-trade sa mga bahay aliwan.

Kabilang ang Metalica Disco sa mga listahan ng International Justice Mission (IJM) na target nila dahil sa talamak na sex-trade na nangyayari kahit sa loob lamang ng mga VIP room ay malaya nang nakikipag-sex ang mga GRO at mga kostumer ng mga ito.

Grabeeeee….

Anoman ang reklamo o puna, i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com. juandesabog

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply