Sino ka bang talaga at saan ka nanggaling Daiana Menezes?

KASALUKUYANG abala ngayon si Daiana Menezes sa pagpapa-underdog sa diumano’y break up nila ni direk GB Sampedro.

Tingin namin di talaga maka-get over ito na ginawa pang alibi yung tragic sunog na nangyari sa buhay niya upang alipustain si Direk. Indirectly, kahit sabihing pang kunwari ay pinupuri niya si Direk, may patutsada talaga’ng hitad. Na meron siyang bitterness behind sa pagbi-break nila.

Kesyo di na raw niya babalikan ang condo niyang nasunog, natural ang ibig niyang sabihin, di na niya babalikan si Direk.

And take note, mismong sa isang kalabang network na pinagtatrabauhan ni Direk pa nagsalita si Daiana.

The height of unfairness kumbaga!

At heto pa, dalawang tao na yung nagkuwento sa amin tungkol sa isyung ikinakalat ng kampo ni Daiana. Take note, hindi namin sinasabing sa bibig mismo ni Daiana ito nanggaling, kumbaga sa isa mga tao sa kampo niya.

Aligagang nagkukuwento ang kanyang PA na kesyo kaya raw sila nag-break ni direk dahil nahalata raw niyang bading si Direk Sampedro.

The nerve!

Hindi ba grossly unfair naman ‘yang ganyang ipinamamalita ng kampo ng Brazilian actress?

Sino ba ang Daiana na ito na biglang lumitaw sa showbiz? Out of the blue, lumabas siya sa Eat Bulaga na hindi natin alam kung saan naggaling?

Kesyo model daw?

Uso noon ang mga Russian models na imported from other Russia. Hindi na naming sasabihin kung bakit ini-import sila papunta dito sa Pilipinas, tapos ayan ang mga Brazilian models naman, at diyan kasama si Daiana?

Bukod kaya sa pagmomodelo, ano pa ba ang kanyang dahilan para manatili sa Pilipinas? Kung hindi kaya siya nagkapangalan, ano na kaya’ng kinahinatnan niya rito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply