Sirkulasyon ng piso palalakasin ng gobyerno

MAGLALAAN ng karagdagang P10 bilyon pondo ang pamahalaan sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Budget Secretary Florencio Butch Abad na layunin ng nasabing pondo na mas patatagin pa ang sirkulasyon ng piso.

Paliwanag ni Abad makatutulong ang karagdagang pondo para mapalawak ng Bangko Sentral ang mga priority project nito na may kinalaman sa pagpapalago ng pagbabangko.

Dagdag pa ng opisyal kung tutuusin ay kulang pa nga ang karagdagang pondo dahil maidaragdag lang ito sa nauna ng P10 bilyon na kapital ng Bangko Sentral.

Sa ilalim ng umiiral na batas sa bansa, P50 bilyon ang dapat na umiikot na pera ng gobyerno sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Samantala, tatanggalin na rin ng Bangko Sentral sa sirkulasyon ang mga lumang peso bill, sa taong 2014.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply