SK President Myung-Bak dumating sa Pinas

DUMATING kanina sa bansa si South Korean President Lee Myung-Bak kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Benigno Aquino.

Dumating si Lee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaninang 1:30 ng hapon kanina.

Layunin ng pagtungo ng South Korean leader ang bilateral
meeting niya kay PNoy na nakatakdang gawin bukas.

Unang nagkausap ang dalawa sa Bali, Indonesia kasabay ng ginanap na ASEAN-Korea Summit nitong Nobyembre 17-19.

Positibo naman ang lider na mas titibay pa ang ugnayan ng kanyang bansa at ng Pilipinas dahil sa nagkakaisa nilang prinsipyo na labanan ang korapsyon at kahirapan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply