Skyway papuntang NAIA maniningil na ng toll

TATAAS na naman ang kilay ng mga motorista at kritiko ng pamahalaan dahil simula sa Nobyembre 16, ang Skyway operator, Skyway O&M Corp. (Somco), ay mangongolekta na ng toll sa mga motorista na gagamit ng Skyway System sa phase one ng  NAIA Expressway.

Ang  VAT-inclusive toll ay bahagi ng  interim operation agreement na nilagdaan ng Department of Public Works and Highways,  Toll Regulatory Board (TRB), Citra Metro Manila Tollways Corp. at  Somco.

Sa ilalim ng mga karampatang bayad na aprubado ng  TRB, Class 1 vehicles (cars, jeepneys, pick-ups at vans) ay sisingilin ng  P35 habang ang  Class 2 vehicles (light trucks, tourist/school/public utility buses at iba pang sasakyan na may taas na pitong talampakan o higit pa ay sisingilin ng  P70.

Tatawid ang NAIA Expressway (Phase 1) sa  Skyway System malapit sa  Sales interchange paroon at pabalik ng Andrews Avenue sa Villamor Air Base, Pasay City.

Dumarami umano ang serbisyo ng pamahalaan sa mga lansangan subalit kaakibat nito ay mga mamamayan din ang magbabayad gayung bilyon ang pondo na inilalagak sa imprastraktuktura ng pamahalaan partikular sa DPWH. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply