‘Smoke Free Sa Maynila’ campaign inilunsad

PINANGUNAHAN ngayon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim at Meptropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ,ang kampanya laban sa sigarilyo sa pamamagitan ng “symbolic spray painting” ng “Smoke-Free Sa Maynila” sign sa Bonifacio Shrine sa Maynila.

Sa pakikipag-ugnayan sa Manila Anti-Smoking Task Force (MASTF), inilunsad ang proyekto na “11.11.11.” na inorganisa ni City Administrator Jesus Mari P. Marzan, Archt. Dunhill Villaruel ng  Manila Youth Bureau at ng Manila Health Department, para suportahan at palakasin pa ang kampanya ng siyudad na mabigyan ng impormasyon ang publiko sa panganib na dulot ng paninigarilyo.

Kasabay ng paglulunsad ng anti-smoking program ay nagsagawa rin ng noise barrage sa loob ng walong minuto sa iba’t ibang panig ng Maynila bilang suporta sa programa.

Kabilang sa sumuporta ay ang Muslim community at iba’t ibang barangay.

Nagkaroon din ng “commitment signing” sa pangunguna ni Lim, Tolentino at Chief of Staff and Media Bureau chief Ricardo E. De Guzman; at paglalagay ng no smoking sticker sa mga passenger bus at jeep.

Kasalukuyang nagaganap sa Bulwagan Rodriguez sa Manila City Hall, ang exhibit ng 36 na poster na iginuhit ng mga young artist mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng lungsod na lumahok sa “On the Spot Poster Making Contest” noong Nobyembre 4.

Pinarangalan naman ni Lim ang nanalo sa nasabing pakontes na naiuwi ng 13-anyos na si Mariela S. Quipid mula sa Ramon Magsaysay High School- España. Ang winning piece ni Quipid ang pinaghanguan ng pangalan ng kampanya na “Smoke-Free Sa Maynila.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply