Smugglers tiyak na malungkot sa Pasko

TINIYAK ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na magiging malungkot ang darating na Kapaskuhan para sa smuggling syndicates at iba pang lumalabag sa batas.

Ito ay matapos iutos ni Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim ang agarang pagkumpiska sa Port of Manila ng isang kargamento ng sibuyas na nagkakahalaga ng P7 milyon.

Inihahanda na rin umano ang isasampang kaso sa may-ari at customs broker ng Shamoroal Enterprises na nagtangkang magpuslit ng nasabing produkto.

”As the holiday season approaches, we shall make sure that there would be no ‘happy Christmas’ for smugglers and those violating the law,’ pahayag pa ni Lim.

Ayon kay Atty. Felimon Mendoza, hepe ng Risk Management Office, Customs Intelligence and Investigation Service,  dalawang linggo ang kanilang isinagawang surveillance at ‘profiling’ bago nagdesisyong harangin ang kargamento dahil sa kasong misdeclaration.

Nabatid na idineklarang gamit sa bahay ang mga sibuyas para iligaw ang mga awtoridad.

Sa rekord, lumalabas na ang operasyon ay pang-siyam na sa matagumpay na nailunsad ng BOC mula noong Setyembre 19, nang manungkulan sina Lim at Comm. Ruffy Biazon bilang mga bagong kinatawan ni PNoy  na magsusulong ng mga reporma sa pantalan.

Ayon kay Elenita Abaño, hepe ng Public Information Assistance Division, halos P700 milyon ang kabuuang halaga ng smuggled products na nakumpiska ng BOC sa mga operasyong ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply