‘Snatcher’ na Iranian arestado

ARESTADO ang isang Iranian national matapos itong magnakaw dahil sa pagkasugapa nito sa sugal kaninang madaling-araw sa maynila.

Dakong alas-3:00 ng madaling-araw ng bitbitin ng mga awtioridad ang suspek na si Bama Janini, 29, dentistry student na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Manila Police District.

Nabatid na kinaibigan nito ang isang lalaki at niyayang pumunta sa Maria Orosa sa may Ermita, Maynila na maglaro ng casino nang bigla na kamang umano nitong inagaw ang pouch bag na dala ng biktima na naglalaman ng P3,000.

Nang muling magkita ang suspek at biktima ay hindi na nag-atubi ang huli na ipaaresto ang Iranian.

Nabatid na nagmula umano sa mayamang pamilya si Janini sa kanilang bansa at ito ay pinapadalhan na lamang ng malaking halaga sa Pilipinas para sa kanyang expenses ngunit dahil sa pagkatalamak nito sa sugal ay pinahinto na lamang siya sa pag-aaral ng kanyang mga magulang at pinababalik na ito sa Iran. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply