So sumungkit ng ginto sa chess

WINALIS lahat ni Grandmaster Wesley So ang sagabal sa kanyang landas para makuha ang unang gold medal sa chess sa nagaganap na 26th Southeast Asian Games men’s blitz sa Swarna Dwipa Hotel sa Palembang, Indonesia kahapon (Nobyembre 21).

Pinagtatalbos ni second seeded So ang siyam na woodpushers kasama ang kababayang si GM Mark Paragua para ikuwintas sa kanya ang medalyang ginto.

Nakopo naman ni Olympiad veteran Paragua ang bronze medal matapos umiskor ng 6 points mula sa six wins at three losses.

Nakabawi si So sa blitz matapos siyang mabigo na makuha ang gold sa men’s standard kung saan ay si Susanto megaranto ng Indonesia ang komopo ng titulo habang silver ang nakuha ng Pinoy chesser.

Si Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam ang sumungkit ng silver medal. Nasungkit ng Philippine chess team ang isang gold, apat na silver at dalawang bronze. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply