Solenn Heusaff pinagkaguluhan sa Kongreso

ANG sexy star na si Solenn Heusaff ang bagong endorser ng Ginebra San Miguel sa kanilang 2012 calendar kung saan mapangahas ang kanyang pictorial kaya pag-uusapang tiyak ang kanyang kalendaryo kapag once na lumabas na ito.

Anyway, una naming nakita sa lobby ng Kongreso si Solenn habang nag-i-interbyu ng mga Congressmen at talagang pinagkaguluhan siya ng mga tao roon at ganoon din ng media dahil sa kanyang kasuotan na seksing-seksi ang dating.

Isa na ring recording artist ang GMA talent at singing ang isa sa mga puhunan niya sa showbiz bukod sa ganda ng kanyang katawan at mukha.

00000

MALAKI naitutulong ni Mayor Del de Guzman ng Marikina City sa industriya ng sapatos. In fact, ang Sapatos Festival ay nag-iikot sa lahat ng lugar sa Metro Manila para ipagmalaki ang mga produktong gawang Marikina at makabenta tuloy ng mga sapatos sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kung saan mismong si Mayor De Guzman ang kumakausap sa mga kapwa niya mayor para bumili ng sapatos na gawang Marikina. So far, hindi naman siya nabigo dahil maraming mayor sa Metro Manila ang bumili ng kanilang mga produkto.

Wala rin pinipiling tulungan si Mayor na kababayan niya basta’t nangangailangan ito ng tulong ay kaagad-agad niyang tinutulungan sa abot ng kanyang makakaya. Isa rin sa mga magagalang na mayor si De Guzman hindi ba tulad ng iba na ubod ng yabang at palamura sa tao.

00000

ANG patok na portion ng Eat Bulaga ay ang Juan For All, All for Juan sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke at Puregold. Maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number one noontime show dahil katakot-takot na salapi ang pinamimigay sa mga tao. Kitang-kita naman ang tuwa at saya ng mga contestant kapag sila’y nananalo. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga para tuluy-tuloy ang hatid saya nito sa mga kababayan natin. Ang mga nag-sponsors naman sa Eat Bulaga ay suportahan natin ang kanilang mga produkto para tuluy–tuloy ang saya sa EB mula Lunes hanggang Sabado sa Siyete lang po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply