Solons: House arrest para kay GMA

IPINAYO ngayon ng ilang mambabatas na i-house arrest na lamang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Pasay RTC kaugnay sa electoral sabotage case na isinampa ng Comelec.

Ayon kina Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya at Akbayan Rep. Arlene Kaka Bag-ao, kung hihilingin ng kampo ng mga Arroyo na hindi pa pwedeng dalhin sa kulungan ang dating Pangulo ay maaari itong isailalim sa hospital arrest bilang humanitarian consideration.

Sa kabilang banda ay maaari rin naman kasing ikunsidera ang kalagayan ni Ginang Arroyo at tiyakin na mabigyan ito ng 24-hour medical attention at complete supervision sa kanyang karamdaman.

Ngunit hindi katulad ni GMA na bibigyan ng konsiderasyon ang ibang kasama nito na nasampahan ng kasong electoral sabotage.

Sa panig naman ni House Minority Leader Edcel Lagman, ang kasong electoral sabotage na biglang inihain ng Commission on elections (Comelec) laban kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi nangangahulugan na awtomatiko na itong mapipigilang lumabas ng bansa.

Nilinaw ito ni Lagman kaugnay sa pagsasampa ng nasabing kaso laban sa dating Pangulo at sa patuloy na pagpigil dito ng Department of Justice (DOJ) na umalis kahit na nag-isyu ng Temporary Restraining order (TRO) ang Korte Suprema.

Dahil dito, ipinaliwanag ni Lagman na wala na umanong legal na hadlang sa dating first couple upang makapagpagamot sa ibang bansa.

Aniya, ang hurisdiksyon at komposisyon ng joint DOJ-Comelec panel na siyang nag-iimbestiga sa kaso at nag-rekomenda ng paghahain ng kasong kriminal ay kinuwestiyon na sa Korte Suprema na siyang dapat na umaksyon sa petisyon.

Samantalang ang Pasay Regional Trial Court (RTC) naman aniya kung saan na i-raffle ang kaso ay hindi rin maaring kaagad na mag-isyu ng hold departure order (HDO) bago magsagawa ng hearing.

Giit pa ng mambabatas na ang pag-iisyu ng HDO ay limitado sa constitutional prescription na ang right to travel ay maari lamang kapag nakasasalay dito ang national security, public safety o public health. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply