Solons kay PNoy: ‘Palawakin ang trabaho sa bansa’

KINALAMPAG ng dalawang mambabatas ngayon ang administrasyong Aquino upang palawakin ang paglikha sa mga trabaho kasunod ng plano ng Saudi Arabia na limitahan ang ipinadadalang remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang dayuhan sa kani-kanilang bansa.

Giit nina Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. Antonio Tinio at Marikina City Rep. Marcelino Teodoro na mahalagang mailatag ang mga lokal na trabaho dahil sa mapaniil na regulasyon sa pagtatrabaho sa ibang bansa bunga ng nagaganap na tensyong-politikal.

“In the long term, the Aquino government should concentrate on developing our domestic economy that will create higher paying jobs on our home soil,” ani Tinio.

Sa panig naman ni Teodoro ay igniit niya na ang local job generation ay pinakamahalagang hakbang para tugunan ang panibagong pagbabawas sa ipinadadalang remittances mula sa Saudi Arabia.

“It should be answered by the Philippine government with local job generation,” ayon kay Teodoro.

Kasabay nito ay nanawagan si Teodoro sa administrasyong Aquino na bigyang seguridad at proteksyon ng mga konsulado sa ibang bansa ang mga OFW dahil malaking tulong ang mga ito sa pagpapanatili ng matatag na ekonomiya sa bansa.

Hiniling naman ni Tinio sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (Dole) at Overseas Workers Welfare Office (OWWA) na agad humingi ng paglilinaw ukol sa bagong panuntunang ito na nakatakdang ipatupad ng Saudi dahil posibleng lalabag ito sa karapatan ng mga OFW.

“In the short term, the government should take steps to ensure that the remittance of 1.2 million OFW’s won’t be unduly affected by the cap,” sinabi ni Tinio.

Naunang inihayag ng Saudi Labor Minister Adel Fakieh sa website na Al-Arabiya na ang Saudi government ay magpapatupad ng “salary protection program” kung saan lilimitahan na ang ipadadalang sahod ng mga dayuhang nagtatrabaho doon sa kanilang mga kaanak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply