Solons kumpiyansang mananalo si Pacquiao

KUMPIYANSA ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipanalo ni Rep. Manny Pacquiao ang rematch nito kay Mexican figther Juan Migule Marquez dahil sa lakas ng kamao nito, talas at liksi at maging ang diskarte nito sa kaniyang paglalaro sa loob ng ring.

Ayon kay Deputy Speaker at Zamboanga City Rep. Ma. Isabelle Climaco, sapat ang ginawang paghahanda at pagsasanay ng boksingerong kongresista upang patunayan na siya ang talagang matatawag na pound-for-pound fighter sa buong mundo.

“Manny always takes his training seriously and never underestimates his opponent. We will match his boxing prowess with our prayers for his safety and victory,” ani Climaco.

Sinabi naman in Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na hindi matatawaran ang ipinakitang lakas ni Pacquiao sa loob ng ring kaya malaking batayan na ito sa muling pagkakapanalo ni Pacquiao na kaniyang tinawag na strong and wiser boxer.

“Years of winning different titles have made Manny truly a great boxer. The rematch will showcase his added speed skill and punching power that will doom Marquez,” ani  Gunigundo, deputy majority
leader.

Ayon naman kay Isabela Rep. Rodolfo Albano, na muling magkaisa ang laban ng mga Filipino sa buong mundo para kay Pacquiao para ipagdasal ito para sa kanyang panalo laban kay Marquez.

“We wish Manny the best on his forthcoming fight against Marquez which will be held at the MGM Grand Garden Arena in Las Vegas, Nevada. Manny has all the elements to win the bout which are wisdom, stamina, speed, punching power and self-confidence. Once again, let us pray for Divine protection of Manny and his expected triumph that will give our nation honor and pride,” ani  Albano.

Sinabi naman ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, na si Pacquiao ay may respeto at buong suporta ng buong sanlibutan sa laban nito dahil nasa kanya na ang lahat ng asset ng isang totoong  kampeon.

Pahayag naman ni Rep. Giorgidi Aggabao (4th District, Isabela) tiyak na mapagwawagian at mapananatili ni Pacquiao ang WBO welterweight belt nito mula kay Marquez.

“Manny fought and worked hard to earn his world titles. Come Saturday, he will demonstrate his boxing power and skill, and successfully defend his WBO welterweight belt from Marquez. We are fully convinced he will win the bout,” ani Aggabao, vice chairman ng House committee on ways and means.

Wika naman ni Rep. Jose Aquino ll (1st District, Agusan del Norte) na maaaring matuldukan na ang  matagal ng taong paghihintay para patunayan lamang na si Pacquiao ang nararapat sa titulo at hindi si Marquez dahil sa inaasahang mas malakas na suntok na bibitawan ng boksingerong mambabatas at bilis na ipakikita upang patumbahin ang El Dinamita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply