Solons sa DOJ: Desisyunan na ang hiling ni GMA

NANAWAGAN ang mga kongresista sa Department of Justice na madaliin na ang pagdedesisyon kung papayagan o hindi na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyang diin ngayon ni Marikina Rep. Ramiro Quimbo sa Ugnayan sa Batasan na ang kahilingan ni GMA na makapagpagamot sa ibang bansa ay hindi isyung political kungdi isang isyung legal.

“Whether may karapatan o wala dapat desisyunan na ng DOJ with finality para magkaroon ng judicial determination,” ayon kay Quimbo.

Bagama’t binanggit niyang sa ngayon ay pre-mature aniya ang paghahain ng apela ng mga abogado ni Arroyo dahil hanggang ngayon ay wala pa namang pinal na desisyon ang DOJ kung mag-iisyu ito o hindi ng Allow Departure Order (ADO) kay GMA.

Magkagayunman ay binigyang diin ni Quimbo na ang paglalakbay o pagbiyahe ay karapatan ng isang tao na nakasaad sa batas lalo pa’t walang kasong nakahain sa korte

Sa panig naman ni Deputy Speaker Erin Tañada ay sinabi niyang usapin ito ng “nagtitiwala ba ang taumbayan na babalik si GMA sa bansa?”

“Under preliminary investigation ngayon ang kaso wala pa sa korte at andiyan din ang constitutional provisions recognizing individual right to travel. But kailangang tingnan din ang medical condition of the former president.  Is it life threatening that she cannot wait a few more weeks and only doctors can say that may taning na ba ang buhay kaya dapat na siyang agad ay payagan sa kaniyang karapatan,” sinabi ni Tañada.

Mas makabubuti ayon sa dalawang kongresista kung maisasampa muna sa korte ang kaso laban kay Arroyo bago ito payagang makaalis upang masiguro na gugulong ang kaso kahit nasa ibang bansa ang dating pangulo at nagpapagamot.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply