‘Solvent Queen’ laglag sa parak

NAHULI na ang tinaguriang “Solvent Queen” ng mga awtoridad sa Maynila, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ng Manila Poilice District-Binondo Police Station 11 ang suspek na si Lolita Figura Y Ramos, 47, matandang dalaga, walang hanapbuhay at residente ng Gate 17 Area D Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa ulat nina SPO2 Luis Lacastre at PO2 Romeo Ricamara, dakong 11:00 kagabi (Nobyembre 34), nagpapatrulya sila nang mamataan ang suspek sa panulukan ng Claro M. Recto Ave. at Tabora St., na sakop ng Binondo, habang nagbebenta ng “solvent” sa mga kabataang  istambay sa lugar.

Agad na sinita ng dalawa ang suspek at nakuha sa pag-iingat nito ang mahigit 100 botelya ng illegal substance.

Dahil dito, binitbit nina Lacastre at Ricamara patungong himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong Violation of PD 1619 –Illegal sale and Posession of Volantile substance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply