Sotto: De Lima dapat sumunod sa SC

WALANG dahilan para hadlangan pa ni Justice Secretary Leila de Lima ang pag-alis sa bansa ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Itoang binigyang diin ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III makaraang ibasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General.

Ani Sotto, kung baga sa basketball ang kasong nilabag ni de Lima ay “forcing through” sa kabila ng ipinalabas na TRO ng SC.

“The decision in favor of the right to travel is an affirmation of the rule of law for all, without fear or favor. I salute the Supreme Court. I’m sure the Executive department was expecting that,” ani Sotto.

Para naman kay Senador Francis Pangilinan, ang ginawang pagbasura ng SC sa MR sa pamahalaan ay lalo lamang lumalakas ang pagdududa ng taumbayan na hawak pa rin ng mga Arroyo ang Korte Suprema.

“Baka ang gusto ng Korte Suprema na sentensyahan muna si Arroyo bago ito pigilan lumabas ng bansa,” diin ni Pangilinan.          

Sa panig naman ni Senador Francis Escudero, marapat lamang na sumunod si de Lima sa naging kautusan ng SC.

Ayon kay Escudero, hintayin na lamang ang desisyon ng Pasay RTC kaugnay sa kasong electoral sabotage na isinampa ng Comelec.

Iginiit nito na kung nagpalabas ng warrant ang RTC na non-bailable ang isinampang kaso ay hindi na rin makakaalis ng bansa si GMA.

Dahil dito, magiging “moot and academic” ang desisyon ng SC na payagang makaalis ng bansa si GMA. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply