Revilla ipinagtanggol ni Sotto kay Genelyn

NAKAHANAP ng kakampi sa Senado si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., sa katauhan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III matapos na  batikusin ng ina ni Maria Ramona Belen Bautista Revilla at Ramon Joseph Bautista Revilla na si Genelyn Magsaysay Bautista.

Ayon kay Sotto, ipinakita lamang ni Revilla ang kanyang statemanship kaugnay ng kaso ng dalawang kapatid sa ama partikular na kay Ramona sa ginawang pag-alis ng bansa.

Aniya, tama ang naging pahayag at  ginawang hakbang ni Revilla bilang isang senador ng bansa at kapatid naman ng mga Revilla.

Magugunita na nanawagan si Revilla sa Department of Foriegn Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI) na sikaping mapabalik sa bansa ang half sister na si Ramona na nagtungo sa Turkey, isa sa mga isinasangkot sa pagpasalng sa sariling kapatid na si Ramgen Bautista Revilla.

Kasunod nito, binatikos naman ang senador na ina ni Ramona na kung saan ay pinaratangan pa ang senador na namumulitika lamang para sa pagtakbo sa halalan bilang pangulo ng bansa na agad namang ipinagtanggol ni Sotto si Revilla.

Naniniwala si Sotto na naging maayos naman ang paghawak ng Parañaque Police sa Ramgen Slay Case kung saan agad silang nakatukoy ng mga suspek at nakapagsampa ng asunto sa Parañaque prosecutors office.

Nababahala rin ang senador na hindi dapat matulad sa Vizconce Rape Case ang naturang kaso kung saan ay nag-umpisang mahusay ang  awtoridad sa imbestigasyon subalit gumulo dahil sa maraming nakialam sa kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply