Sotto tutol na sagutin ng pamahalaan ang pagpapagamot ni GMA

MAHIGPIT na tinutulan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang alok ng administrasyong Aquino na sagutin ang gastos sa espesyalistang gagamot sa karamdaman ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyang-diin ni Sotto na hindi magiging katanggap-tanggap sa mga taxpayer sa bansa na sa kanila pa manggaling ang perang ibabayad sa espesyalistang gagamot sa dating Pangulo na may kinakaharap na kasong pandarambong sa pondo ng bayan.

Imbes na gastusan ng gobyerno si Gng. Arroyo, sinabi ng senador na mas makabubuting ilaan na lamang ang pera para sa kapakanan ng maralitang Filipino.

“Dapat ibigay na lang sa mahihirap ang pera. Unwise decision,” diin ni Sotto.

Pinaboran naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang alok ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa dating Pangulo upang hindi na ito magpumilit na mangibang-bansa para makapagpagamot sa problema niya sa cervical spondylosis at hypoparathyroidism.

Inirekomenda pa ni Escudero sa Pangulo na gamitin ang kanyang ‘social fund’ para matustusan ang pagpapagamot ni Gng. Arroyo sa bansa.

“May humanitarian na pangangailangan, puwede naman siguro yun. May ilang items sa budget na puwede sigurong pag-charge-an yun. Among others, ang pangunahing nasa isip ko, although I’m not sure, would be the President’s social fund,”ayon sa senador.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply