South Korean President nagpasalamat sa Pinas

PINASALAMATAN ni Korean President Lee Myung-Bak ang Pilipinas bunsod ng pagbibigay proteksyon sa kanilang mga kababayan at pagsuporta sa pakikipaglaban nito sa North Korea.

“I also took today’s morning meeting as an opportunity to convey my deep appreciation to His Excellency and the government of the Philippines for providing protection to our nationals here in the Philippines and also for the Korean tourists visiting the Philippines,” ang pahayag ni Lee sa pamamagitan ng isang interpreter na bahagi naman ng kanyang expanded bilateral meeting kay Pangulong Benigno Aquino III.

Si Lee ay dumating sa Pilipinas kahapon, Nobyembre 20, para sa kanyang three-day state visit.

“We believe that such measures by both governments for both of our respective nationals will lead to a better cooperation in not only on tourism and education but also in our overall friendship and partnership as well,” ayon kay Lee.

Tinatayang 21 porsiyento ng mga dayuhang turista sa bansa ay pawang mga Koreano.

Sinasabing 740,000 Koreans ang bumisita na sa bansa simula pa noong 2010.

Sa panig naman ni Pangulong Aquino, sinabi nito na sa mga nakalipas na taon ay nananatiling numero uno ang Korea bilang source of foreign tourists sa Pilipinas.

Anang Pangulo, ang Pilipinas ang host ngayon para sa mahigit na 115,000 Koreans na pawang mga permanent residence na sa bansa.

Ayon pa sa Pangulo, malugod niyang iwe-welcome ang patuloy na pagdagsa ng bilang ng mga Koreano na gustong bumisita sa bansa at piliin na maging permanent residence sa Pilipinas.

“This is a clear indication of the pleasant and comfortable living and working environments in the Philippines which our government is constantly striving to improve,” anito.

Samantala, patuloy na nakasuporta ang Pilipinas kay Lee sa pakikipaglaban nito sa North Koreans.

“The Filipino government has always been there by Koreans’ side providing instantaneous support and we showed our tremendous appreciation to His Excellency and the members of his government for their continuous support which is greatly appreciated by everyone in Korea,” ani Pangulong Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply