Special en banc isasagawa ng SC

MAGSASAGAWA ng special en banc ang Supreme Court (SC) upang talakayin ang ilang mahahalagang isyu kaugnay sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas sa watchlist order laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Sinabi ni SC spokesman Jose Midas Marquez na nagpatawag si Chief Justice Corona ng special session kung saan layunin nito na resolbahin ang motion for reconsideration (MR) ng Department of Justice (DOJ) at ang hiling na mas maagang oral argument ng mga Arroyo.

“Discussions on the DOJ’s defiance of the TRO and motion to hold oral arguments earlier and the motion to reconsider the high court order,” ani Marquez.

Nito lamang gabi ng Martes (Nobyembre 15) ay pinilit ni Gng. Arroyo at dating First Gentleman na makaalis ng bansa patungong Singapore matapos pagbigyan ng Korte Suprema ang kanilang petisyon ngunit hindi rin sila natuloy makaalis ng bansa matapos silang harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa loob ng Terminal 1 sa Ninoy Aquino International Airport.

Giit pa ni Marquez na manantili ang TRO at dapat na ito ay ipatupad.

Gagawinn ang en banc sa Biyernes ng umaga (Nobyembre 18), habang ang oral argument ay sa araw ng Martes (Nobyembre 22).

“The court can actually commission or designate any government official to see through the compliance of its orders but the court has not done that yet. As mentioned, court will take these pending matters on Friday,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Ayon pa kay Marquez, hihintayin muna nila ang kasagutan sa show cause at comply order ng DOJ at iba pang opisyal .

“Antayin natin kung ano mangyayari. Kung may pleading, this will be included in the en banc session,” ani Marquez. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply