Spray plane bumagsak, sakay na piloto tigbak

PATAY sa malagim na aksidente ang isang piloto matapos na bumagsak ang sinasakyan nitong spray plane sa Panabo City, Davao del Norte kaninag umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na si Captain Napoleon Emia.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-8:00 at alas-9:00 ng umaga sa Barangay Datu Abdul, Panabo City.

Ayon kay P/Supt. Marvin Manuel Pipino, hepe ng Panabo City PNP, bago ang aksidente ay patungo sana ang naturang spray plane na mag-isang pinapalipad ni Emia sa banana plantation sa Barangay Lapanday para mag-spray ng insecticide.

Pero hindi pa man sumasapit sa nasabing plantasyon ay nagkaroon na ng aberya ang makina ng naturang eroplano at nagpagewang-gewang sa himapapawod bago ito bumagsak sa kalupaan.

Ikinasa na ang imbestigayson upang malaman ang naging dahilan ng plane crash.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply