SRP inilagay na ng DTI

IPINAMAHAGI na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) sa mga produktong pang-Noche Buena para magkaroon ng gabay ang mga mamimili sa mga produktong bibilihin na ihahanda sa Pasko.

Ayon kay DTI National Capital Region Director Ferdinand Manfosto, ipinakalat na nila ang mga poster ng SRP sa mga supermarket at palengke na gagawing basehan sa bibiling produkto ng consumers.

Tiniyak din ng DTI na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-Noche Buena at sapat din ang suplay nito.

Paalala pa ng DTI sa mga mamimili na maging mapanuri sa mga binibiling produkto at huwag pagbatayan ang mura lang ito at sa halip ay dapat alamin ang kalidad ng produktong bibilhin.

Dapat din umanong alamin ang expriration date ng mga produktong de lata para maging ligtas ang kakain nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply