State of calamity idineklara sa Negros Occidental dahil sa baha

DAHIL sa lumalaking tubig  baha, isang bayan sa lalawigan ng Negros Occidental ang isinailalim ngayon sa state of calamity.

Dahil sa malaking pinsala na idinulot ng baha na nakaapekto sa libu-libong pamilya, nagdesisyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Enrique na ideklara ang state of calamity sa naturang lugar.

Napag-alaman na limang barangay ang apektado ng baha na kinabibilangan ng Bagunawa, Baliwagan, Sibukaw, Gintuliran at Batuan.

Mahigit sa 2,000 pamilya naman o mahigit 8,000 katao ang naapektuhan ng baha.

Samantala, dalawang  barangay din sa bayan ng Pontevedra ang apektado ng baha at ito ay ang barangay Don Salvador Benedicto at San Juan.

Halos hindi na madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalsada dahil sa taas ng tubig baha. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply