Status quo order inilabas ng SC sa Comelec

PINAGPAPALIWANAG ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagdedeklarang invalid ang isang party list group dahil lamang sa isang petisyon.

Kasunod ito ng paglabas ng status quo order ng SC laban sa Comelec kaugnay sa pagbasura ng poll body sa Alliance for Barangay Concerns (ABC) partylist dahil lamang sa pagkakakonekta nito sa grupong Ang Dating Daan.

Ayon sa tatlong pahinang resolusyon ng en banc, pinaghihinay-hinay nito ang Comelec sa pagdedeklarang invalid ang aplikasyon ng nasabing grupo.

“Acting on the Special Civil Action for Certiorari and Prohibition (with prayer for Immediate Issuance of a Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order or Status Quo Ante Order), the Court Resolved, without giving due course to the petition to: Require the parties to observe the Status Quo prevailing before the issuance of the Comelec en banc Resolution,” nakasaad sa SC en banc resolution.

Si Atty. Melanio “Batas” Mauricio naman ang nagsilbing petitioner sa nasabing usapin.

Binigyan naman ng SC ng 10 araw upang makapagkomento  ang Comelec at si Mauricio  matapos matanggap ang resulosyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply