Steff Presscott nakipaglamay, nakipaglibing kay Ram Revilla na luhaan!

DUMALAW sa lamay at nakipaglibing si Steff Presscott kay Ram Revilla na lumuluha dahil naging super close rin sila noon. Sabi ng aming source, muntik na raw palang mag-on sina Steff at ang namayapang si Ram noon. Inamin ni Steff na naging super close na sila noon ni Ram. Kasi, talagang nakipagkaibigan nang todo-todo si Ram sa kanya.

Ayon sa aming source, di lang daw nasagot ni Steff si Ram dahil lumitaw si Janelle, ang kasalukuyang GF ni Ram, na nagsabi mismo sa GMA contract artist na sila pa rin.

Kaya si Steff ay dumistansiyang bigla kay Ram kahit may nararamdaman na rin siya rito noon. Sobra-sobra raw kasi itong mag-alala kay Steff at bawat dalaw nito sa dalaga ay palaging nagdadala ng kanyang mga paboritong pagkain.

Sabi pa ng ating source, nakipaglibing din daw si Steff the other day sa Angelus Memorial Garden, sa Tuklong, Imus, Cavite.

Iba kasi talaga ang pinagsamahan nilang dalawa noon kaya ganoon na lang din ang pagdadalamhati ni Steff.

Malapit na nga palang mapanood si Steff sa Survivor Philippines na may press launching na sa Nov. 8 at magsisimula nang i-air sa GMA-7 sa Nov. 14.

000

NANG nakahuntahan namin si Bea Binene last Sunday sa kanyang 14th birthday celebration na handog ng kanyang libu-libong fans, nasabi ni Bea na tapos na ang taping ng kanyang Pahiram ng Isang Ina. Magtatapos na kasi ito next week, pero may bagong assignment naman agad siya sa GMA Films. Isang movie na dalawang love team ang tampok.

Siyempre, ka-love team ni Bea si Jake Vargas sa pelikula at ang isa pang love team ay sina Aljur Abrenica at Rhian Ramos. Bale pang-Valentine’s Day offerring ito ng GMA Films.

Sabi ni Bea, maaaring ngayong November ay mag-start na sila ng shooting sa movie na wala pang definite title as of press time.

Samantala, huwag malungkot ang fans nina Bea at Jake dahil patuloy pa rin silang mapanonood sa TV bilang love team sa Tween Hearts na balitang tatagal pa hanggang February 2012.

000

Akihiro Sato kahit napundar na van ibebenta para sa may sakit na ama

HANGGANG ngayon kahit nagti-taping pa rin si Akihiro Sato sa travel show na Trip na Trip para sa Studio 23 ng ABS-CBN, nasa isip at puso pa rin niya ang kanyang may cancer na ama. Kung maaari nga lang ay gusto na niyang lumipad agad sa Sao Paolo, Brazil para alagaan ang may sakit na ama. Pero the show must go on. kailangan niyang tapusin ang first season ng Trip na Trip kung saan kasama siya bilang co-host.

Buti na lang na-e-enjoy ni Akihiro ang taping ng travel show dahil maraming iba’t ibang lugar siyang napupuntahan, particularly ang mga probinsiya na may magagandang beaches. Mahilig kasi si Akihiro sa beach and at the same time, passion din niya ang mag-host kaya enjoy rin siya.

Anyway, dahil gusto niyang mas malaking pera ang madala para sa amang may sakit, minabuti ni Akihiro na ibenta rin ang van na nabili niya na ang ipinambili ay parte ng kanyang prize money mula sa pagkapanalo sa Survivor Philippines Celebrity edition.

At any rate, ‘yung ibang cash money ay naipadala na rin niya sa kanyang ama noon pa na ginastos naman sa pagpapagawa ng kanilang restaurant business. Ipina-renovate ng ama ang kanilang restaurant.

000

SI CAMILLE Prats naman ay naging busy sa pagpunta last Nov. 1 sa puntod ng kanyang asawa na si Anthony Linsangan. Ayon kay Camille, first time niyang ginawa na pumunta sa sementeryo dahil ngayon lang siya nagkaroon ng kaanak na namatay.

Nang makita niya ang puntod ni Anthony, muli na namang lumuha si Camille dahil naalala na naman niya ang masasayang araw nila ng kanyang asawa nu’ng ito’y nabubuhay pa.

Ang nagpapasaya na lang sa kanya ay ang kanilang baby boy na habang lumalaki ay nagiging kamukha ng kanyang ama.

Anyway, nakatutulong din kay Camille ang pagiging busy niya sa ngayon sa apings ng Munting Heredera.

Ginagawa na lang niyang outlet ang pag-arte para malibang at makalimot. Suffice to say, naibubuhos niya nang husto ang mga damdaming dapat ipakita sa mga eksena ng soap lalo na’t sa ngayon ay nalaman niyang si Jennifer pala ang tunay na anak nila ni Mark Anthony Fernandez sa istorya ng soap.

Ang kaso, nagkakaroon man sila ng marital problems ni Mark Anthony dahil nagsiselos ito sa role na ginagampanan ni Bobby Andrews na laging tumutulong sa kanyang pamilya.

Samantala, si Roderick Paulate naman ay patuloy pa ring nagtatago at pilit na inilalayo si Jennifer sa tunay na mga magulang nito.

Sobrang napamahal na kasi ang bata sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply