Subpoena naghihintay na kay Purisima

ISANG subpoena mula sa Kamara ang naghihintay kay Finance Secretary Cesar Purisima sa kanyang pagbabalik sa bansa mula sa South Korea.

Ito ay matapos isnabin ang pagdinig ng House Ways and Means Committee nina Purisima at Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares sa ikatlong pagkakataon.

Isang liham ang ipinadala ni Purisima sa komite kung saan nagpaliwanag na hindi siya makakaharap sa pagdinig dahil kasalukuyan siyang nasa South Korea para sa isang pagpupulong.

Mismong si Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo ang naghain ng mosyon upang padalhan na ng subpoena si Purisima at Henares na agad namang inaprubahan ng komite.

Sa subpoena ay nakasaad na kailangang dumalo sa pagdinig ng komite sa Disyembre 6 sina Purisima at Henares.

Nais ng mga mambabatas na magpaliwanag si Pursina kaugnay sa tunay na estado ng Revenue Circular na nag-oobliga sa taxpayers na magsumite ng annual information revenue kung saan idedetalye ang lahat ng kinita nito.

Hanggang ngayon ay Ikinagagalit ng mga kongresista ang kawalan ng malinaw na posisyon dito ng finance department at BIR.

Ang kontrobersiyal na Revenue Memorandum Circular 40-2011 ng Bureau of Internal Revenue ay ipinalabas noong Septyembre 05, 2011.

Sinasabing ang circular na ipinalabas ni Henares ay labag sa batas o  unconstitutional, at labag sa Bank Secrecy Law at sumasalungat sa kautusan na ipinalabas ni Purisima noong Marso na nagsusupinde sa pagpapatupad ng annual information regulation (AIR).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply