Substandard na Christmas lights kinumpiska sa Divisoria

KINUMPISKA ng mga inspection teams mula sa Department of Trade and Industry ang mga itinitindang substandard na Christmas lights sa limang tindahan sa Divisoria Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, na ikinasa ang pagsalakay sa isang hindi pinangalanang  shopping mall sa Divisoria dahil sa impormasyong may nagbenbenta ng substandard Christmas lights doon.

Ang Divisoria district ay naging abala sa mga nagdaaang linggo dahil dinudumog ito ng mga mamamili dulot ng mga ikinakasang bargain ngayong papalapit na ang Christmas holidays.

Inabutan ng notice of violations ang limang tindahan kung saan nakumpiska ang mga depektibong Christmas  lights, ayon pa kay Domingo.

Muling pinaalalahanan ni Domingo ang publiko na bago bumili ng Christmas lights ay siguruhing dumaan ito sa masusing inspeskyon.

Kabilang aniya rito ay ang DTI certification at ang sticker ng Import Commodity Clearance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply