Sundalo nilikida ng NPA sa harap ng 2 anak

ISANG off duty na sundalo ang walang awang nilikida ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa harap mismo ng mga anak nito at iba pang kamag-anak, ayon sa ulat ng Philippine Marine Public Information Office ngayon.

Sa report na ibinahagi ng PMC-PIO binaril ng mga rebelde si Cpl Winnie Carampatan, miyembro ng 10th Infantry Division, Philippine Army, sa mismong harap ng kanyang dalawang maliliit pa lamang na mga anak.

Nabataid na naganap ang pamamaslang kay Carampatan bandang alas-6:30 ng umaga habang sakay ito ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang dalawang anak at pamangkin sa Malabog, Paquibato District, lungsod ng Davao.

Pinigil ng mga pinaghihinalaang rebelde ang kanilang sinasakyan at binaril ng dalawa ang biktima hanggang sa mamatay ito.

Pagkatapos ng pangyayari ay agad tumakas ang mga suspek.

Si Cpl. Carampatan na ang pangatlong sundalo na nabiktima ng pang-aatake ng mga rebelde.

Nabatid na unang nabiktima si PFC Mansiwagan at miyembro ng CAFGU na si Cariaman na dinukot ng NPA.

Tinorture ang mga ito at pinatay.

Ayon naman kay  Major Jacob Obligado, commanding officer ng 10th Infantry Division, “carrying it out in front of civilians was a clear violation of the Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law (CAHR-IHL) entered into by the government and Communist Party of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply