Sundalo utas, 4 pa sugatan sa bakbakan sa Agusan del Norte

TODAS sa magkabuntot na sagupaan ang isang miyembro ng ellite Army Scout Ranger habang sugatan naman ang apat na iba pa sa magkasunod ng labanan laban sa mga hinihinalang komunistang rebelde sa Agusan del Norte.

Ayon sa ulat, kahapon ng alas-11 ng umaga, unang nakibakbakan ang 5th at 6th Scout Ranger companies sa hindi malamang bilang rebeldeng New People’s Army sa kabundukan ng Bangayan Village sa Kitcharao town.

Makaraan ang 30 minuto, nakasagupa pa rin ng parehong tropa ng military ang umaatras na mga rebelde, ayon pa sa ulat.

Hindi naman nabanggit kung kailan namatay ang biktima na nakilalang si  Private First Class Ninolito Gulane kung noong unang bakbakan o sa pangalawa.

Sugatan naman pero ligtas na sa kapahamakan sina Capt. Mark Steve Cimini, Corporal Mabel Sacayan, Private First Class Jose Sedrome at Private First Class Henry Simba.

Bago ito, nabatid na tinutugis ng tropa ng gobyerno ang mga rebeldeng responsable sa pag-atake sa isang mining site sa Surigao del Norte na tumakas patungong Agusan del Norte.

Ayon sa pa sa awtoridad, ang pag-atake ay sanhi ng pagtanggi ng mining firms na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply