Super Ferry suspendido na

SUSPENDIDO na ang Super Ferry ng Aboitiz Transport System makaraang mabangga nito ang isang fishing boat sa Saranggani Provice ma ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng anim na tripulate kamakailan

Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (Marina) ang biyahe ng mga passenger at cargo vessel ng Super Ferry ng Aboitiz Transport System Incorporation matapos mabangga ng isa nitong pampasaherong barko ang isang fishing banca sa Sarangani Province na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng anim pang tripulante.

Ang Super Ferry ay sinuspende ng Maritime Industry Authority (MARINA) at sinabi ni Coast Guard Spokesman Algier Ricafrente na bukod sa MV Super Ferry 20, suspendido rin umano ang Super Ferry 1, 2, 5, 12, 21 at MV Cebu Ferry 1, 2, at 3 habang hindi pa umano natatapos ang inspeksyon at ang isinasagawang international safety management audit ng Marina at Philippine Coast Guard (PCG) joint team.

Kinansela na rin ang seaman’s book at qualification document ng mga officer at crew ng MV Super Ferry 20 gayundin ang ship safety certificate nito.

Itinakda naman ang hearing ng nasabing maritime incident sa Nobyembre 25 sa tanggapan ng Marina sa Kalaw, Ermita, Maynila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply