Suplado’t supladang empleyado ng city hall lagot kay Lim

“BAWAL ang suplado at suplada.”

Ito ang ipinaalala ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim sa lahat ng empleyado ng Manila City Hall sa kanilang pakikipagtransaksiyon sa publiko.

Giit ng alkalde sa mga empleyado sa ginanap na lingguhang People’s Day sa Bulwagang Villegas na kailangang marunong silang makitungo sa mga tao.

Ang pahayag na ito ng alkalde ay matapos na makatanggap ng reklamo sa isang taga-Maynila ukol sa pagiging suplado ng isang “notice server’ na nakilala lamang sa pangalang “Hilario.”

Anang alkalde, karapatan ng mga tao na magtanong at obligasyon rin ng mga empleyado na sagutin ang mga tanong ng tao.

“Kung hindi marunong makitungo sa mga tao, huwag ng palabasin,”ayon sa alkalde.

Ayon pa kay Lim, dapat iprayoridad ang mga hinaing ng publiko sa lalong madaling panahon upang matapos agad ang kanilang problema.

Hindi umano mangingiming parusahan ng alkalde ang sinumang city employee na magsusuplado sa publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply