Suplay ng gulay sa bansa matatag na– DA

TINIYAK ngayon ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na matatag na ang suplay ng gulay sa bansan dahil unti-unti nang nakakarekober ang mga taniman ng gulay na sinalanta ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.

Inamin ni Alcala na mayroong mga negosyanteng nagsasamantala kaya biglang tumaas presyo ng maraming uri ng gulay sa mga pamilihan nitong mga nakalipas na linggo.

Kasabay nito, inihayag ni Alcala na wala rin magiging problema sa suplay ng manok at karne sa Kapaskuhan dahil sapat ang dami nito.

Patuloy ring bumabagsak ang temperatura sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” at sa “vegetable bowl of the Philippines.”

Ayon naman sa PAGASA-Baguio, pumalo ngayon sa 9.6 degrees Celsius ang naitala nilang pinakamababang temperatura sa lungsod kaninang madaling araw mula sa 9.8 degrees Celsius kahapon (nobyembre 3).

Posibleng nasa 7 degrees Celsius pa rin ang tindi ng lamig sa matataas na bahagi ng Benguet dahil mas mababa pa ang tempetarura doon ng dalawa hanggang tatlong degree kung ikumpara sa lungsod ng Baguio.

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Benguet na hindi apektado ang suplay ng gulay sa pagbagsak ng klima sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Benguet Govenor Nestor Fongwan, sa ngayon ay sapat pa ang suplay ng gulay at stable pa rin ang presyo ng mga ito.

Nanggagaling ang 60 hanggang 70 porsiyento ng suplay ng gulay sa Metro Manila sa lalawigan ng Benguet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply