Suplay ng karne muling iginiit na sapat

MARIING pinabulaanan ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list Rep. Nicanor Briones ang babala ng meat importers na magkakaroon ng kakulangan ng suplay ng karne sa bansa sa pagsapit ng Kapaskuhan

Sinabi ni Briones na kung tutuusin ay nalulugi pa nga ang mga lokal na mambababoy dahil sa mura lamang nilang naibebenta ang kada ulo ng kanilang mga baboy

Nananakot lang ang mga importer dahil sa nais ng mga ito na mapilitang maglabas ng import permit ang Department of Agriculture.

Samantala, sinabi naman ni LPGMA Party-list Rep. Arnel Ty na mayroong sapat na suplay ng karneng baboy at manok sa bansa at nalulugi lamang ang mga lokal na negosyante dahil sa labis na pag-aangkat ng mga karne.

Nagpahayag din si Ty ng pagsuporta sa hindi paglalabas ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ng import permits.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply