Suplay ng manok, baboy sapat hanggang sa Pasko– DA

SAPAT ang suplay ng manok at baboy sa bansa para sa darating na Pasko. Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ngayon.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Efren Nuestro, sapat ang suplay ng manok at baboy ngayong huling quarter ng taon na una nang ginarantiyahan ng mga hog at broiler producer.

Sinabi naman ni Tatish Palabyab ng Philippine Association of Broiler Integrators (PABI), hindi naman masyadong naapektuhan ng mga nagdaang bagyo ang mga poultry farms sa bansa kaya walang dapat na ikabahala sa suplay ng manok.

Over-supply naman umano ang karne ng baboy.

Gayunman, malungkot namang sinabi ni National Federation of Hog Farmers Incorporated (NFHFI) Chairman Dr. Zosimo de Leon na dahil sa dami ng suplay ng nasabing karne ay hindi na halos kumikita ang mga local producer.

Hindi rin itataas ang presyo ng karne ng baboy at manok hanggang sa Pasko.

Kung sakaling itaas man ay maliit lang ang magiging pagtaas nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply