Supplemental petition ikinasa na ni FG sa SC

NAGSUMITE na sa Korte Suprema ng supplemental petition si dating First gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo upang mapawalang saysay ang electoral sabotage laban sa kanyang misis na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay pa rin sa naganap na dayaan noong 2007 election.

Sa isinumiteng petisyon ni Ginoong Arroyo, iginiit nito na mapawalang saysay ang nasabing kaso  dahil ito ay ibinase lamang sa findings ng Joint DOJ-Comelec panel.

“Due to the unconstitutionality and unlawfulness of its creation, and due to its absolute lack of authority and jurisdiction, all the acts the joint committee has so far performed as well as all proceedings emanating and arising there from are equally null and void,” nakasaad sa petisyon ni G. Arroyo .

Hiniling din ni Arroyo sa katas-taasang hukuman ang agarang pag-isyu ng TRO para pigilan ang DOj at Comelec sa pagsasagawa ng anumang imbestigasyon.

Matatandaan na una nang nag-file si dating first gentleman ng petition for certiorari and prohibition na humihiling sa korte  na ideklarang iligal at unsconstitutional ang legalidad ng joint order 0001.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply