De Lima pagpapaliwanagin ng SC

PAGPAPALIWANAGIN ng Korte Suprema si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa pagpigil na maka-alis ng bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo noong Martes ng gabi (Nobyembre 15).

Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, dapat agad na ipinatupad ni De Lima ang kautusan ng SC na nagpapahintulot na makalabas ng bansa ang dating Pangulo.

Sinabi ni Marquez na maglalabas sila ng kautusan upang pagpaliwanagin ang mga concern officials o sa pamamagitan ng motion o manifestation ng mga agreed party.

Kapag hindi umano nakumbinsi ang Korte sa paliwanag ni De Lima ay maari umano itong kasuhan.

Una na ring nagsabi ang kampo ni dating Pangulong Arroyo na maghahain sila ng reklamong Contempt laban kay De Lima at iba pang hindi sumunod sa utos ng Kataas-Taasang Hukuman.

Gayunman, nagmatigas pa rin si De Lima at naninidigan sa kanyang naging desisyon kahit na ipinadala na sa Department of Justice at Office of the Solicitor General ang kopya ng TRO mula sa Supreme Court.

Ang Solicitor General naman ay agad na naghain ng motion for reconderation para ipabasura ang TRO kung saan isa ito sa tatalakayin ng en banc bukas (Nobyembre 18).

Kasama sa mosyon ang maagang pag-urong ng oral argument sa kaso at ang umano ay pagmamatigas ni De Lima sa watchlist order laban sa mag-aswang Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply