Surigao del Sur police chief, kinatay ng sariling tauhan

DEAD-ON-ARRIVAL ang chief of police ng Bayabas, Surigao del Sur matapos barilin ng sariling kasamahan sa loob mismo ng Bayabas Municipal Station sa Bayabas, Surigao del Sur.

Sa panayam kay P/Supt. Martin Gamba, public information officer ng PRO-13, kinilala ang biktima na si Insp. Edgar Dico, hepe ng police station, samantala ang suspek ay si PO3 Lord Anthony Lerin na sugatan din.

Sa inisyal na imbestigasyon, isinugod pa sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City ang hepe makaraan ang pangyayari ngunit idineklarang patay ng attending physician.

Sinasabing may dalang M16 armalite rifle ang opisyal, habang gamit naman ni Lerin ang kanyang service firearm na kalibre .45.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang dahilan o pinag-ugatan ng naturang krimen, pero lumalabas na merong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply