‘Survivor’ contestant kinuwestiyon sa pagbaril kay Peek

KABILANG ang isang contestant sa GMA television reality show “Survivor” sa pitong kataong kinukuwestyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) hinggil sa pagtatangka sa buhay ni Talk N’ Text basketball player na si Ali Peek.

Pumunta nitong Biyernes ng hapon (Nobyembre 18) si Filipino-German radio disc jockey “Angelicopter” (Angelica Schmeing-Cruz sa tunay na buhay) sa CIDG sa Camp Crame at itinanggi na wala siyang kinalaman sa pagbaril kay Peek. Nilinaw din nito na ang kanyang dating mister na si John Christian Cruz ay wala ring alam sa insidente.

Nilinaw naman agad din ni Superintendent Danilo Macerin, acting head ng CIDG-National Capital Region (NCR), na si Angelicopter ay hindi suspect sa kaso. Si Peek ay binaril sa labas ng RFM gym sa may Pioneer street sa Mandaluyong nitong nakaraang Nobyembre 7.

“We are taking statements of all the people in the gym so we could have a clear picture of the incident. She is cooperating fully in our investigation and we appreciate her for that,” pahayag ni Macerin. Binasura ng CIDG investigators na ang motibo ay robbery at ang natutumbok ay personal grudge at babae ang anggulong kanilang isinusulong.

Dumating si Angelicopter sa CIDG-NCR na mag-isa lamang at umalis din agad matapos na pirmahan ang kanyang three-page statement. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply