Suspects pa sa Ramgen slay pinasusuko na

PINAYUHAN ng Parañaque Police ang iba pang pinaghahanap na suspek sa Ramgen Revilla murder case na sumuko na lamang para hindi bumigat ang kanilang kaso.

Ayon sa pulisya, lumiliit na ang mundo nina Glaiza Vista, Norwin Dela Cruz at alyas “Bryan” dahil tukoy na nila ang kinaroroonan ng mga ito.

Nanindigan din ang pulisya na kakasuhan ang mga posibleng nagtatago sa mga suspek.

Dagdag pa ng Parañaque Police,  masisiguro ang kaligtasan ng mga nagtatagong suspek kung maayos silang susuko at ilalagay ang mga sarili sa voluntary custody ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply