Suspek sa Maguindanao massacre humirit ng piyansa

ISA pa sa suspek sa Maguindanao massacre ang humirit sa korte na payagan siyang makapag-piyansa sa paniwalang mahina ang ibidensya laban sa kanya.

Humirit na makapag-piyansa si Chief Insp. Sucarno Dicay sa Quezon City Court na payagan siyang makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang petisyon ay ihihain ng mga abogado ni Dicay sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 na humihiling na payagan siyang makapag-bail para sa kasong murder na isang non-bailable offense.

Si Dicay, dating nakatalaga sa Maguindanao, at isa siya sa mga police na kinasuhan ng multiple murder para sa pagkamatay ng 50 katao, noong Nov. 23, 2009 sa  Ampatuan town Maguindanao.

Maliban kay Dicay, una nang humirit ng permiso si Andal Ampatuan Jr. na makapaglagak ng piyansa, na hanggang sa ngayon hindi pa rin nireresolba ng korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply