Suspek sa pagpatay sa tatay ni Charice kilala na

KILALA na ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa ama ni international star Charice Pempengco.

Ayon kay Police Supt. Kirby John Craft, Chief of Police ng San Pedro, Laguna, kinilala ang suspek na si Anghel Capili at nagpapatuloy ang kanilang pagtugis laban sa salarin.

Bandang alas-11:30 kagabi (Oktubre 31) nang gawin ang pagpaslang sa biktimang si Ricky Pempengco habang ito ay bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan sa Brgy. Laram, San Pedro, Laguna.

Sa inisyal na ulat, biglang sumulpot ang lasing na suspek at walang sabi-sabing inundayan ng icepick ang biktima na noon ay nakainom din.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng dalawang tama ng saksak sa dibdib at likod. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply