Suspek sa pagpatay sinentensyahan ng ilog

NALUNOD ang isang lalaking tinutugis ng batas dahil sa kasong pagpatay matapos itong tumalon sa ilog para takasan ang warrant of arrest na isisilbi laban sa kanya ng awtoridad sa Lingayen, Pangasinan Biyernes ng hapon (Nobyembre 26).

Tinangka pang isalba ng awtoridad ang buhay ng suspek na si Domingo Ferrer, na nagtatago sa may Balingcaguing River sa Lingayen sa pamamagitan ng mouth-to-mouth resuscitation pero namatay rin ito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa nasabing ilog.

Bago ito, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ni Ferrer na tinakasan ang kasong murder sa isang lokal na korte sa nasabing probinsya .

Pinuntahan agad ng pulisya ang kinaroroonan ni Ferrer pero nakatunog ito at tumalon sa ilog kung saan siya tinangay ng malakas na alon at nalunod.

Pumunta naman ang pamilya ng biktima sa Agno Municipal Health Office para kilalanin at kunin ang bangkay nito para maiburol sa kanilang bahay.

Si Ferrer ay wanted sa kasong murder sa ilaim ng Criminal Case No. V-1427 at Criminal Case Number V-1428, at walang piyansang inirerekomenda kapalit ng kanyang kalayaan.

Maliban sa dalawang kasong kriminal, suspek din si Ferrer sa pagpatay kay Mary Ann Naredo, 36, noong nakaraang Nobyembre 19. Robert Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply